One sided love, yun yung feeling na nagmahal ka pero hindi ka minahal nang pabalik. Ang sakit ng ganung feeling pero ganun talaga siguro. Life is unfair sabi nga nila. Pero huwag kang malungkot! Siguro narinig mo na ang love advice na "Marami namang iba diyan. Di lang siya ang tao sa mundo". Oo nga't maraming tao sa mundo, pero siya lang tinitibok ng puso mo (Naks! Hugot!). Ganito yung feeling ng bakit hindi ka crush ng crush mo.
Hindi dahilan ang One sided love para maging malungkot. Ito ang mga dahilan kung bakit okay lang magkaroon ng ganitong klase ng pag-ibig.
- Walang expectation.
- Walang pakiramdam na umaasa ka na kaya niyang tumbasan yung pagmamahal mo. Kumbaga, alam mo ng di ka niya mahal o crush. Tandaan, mas okay lang masaktan ng isang beses kaysa ng pauli-ulit.
- Walang attachment
- Hindi mo mararamdaman ang pagkakaroon ng sakal na relasyon. Mahirap makipagrelasyon sa taong napilitan lang. Okay na ang crush.
- Walang gastos
- Sabi nga ng Chinese na nagbebenta ng tikoy sa kanto, "Anak wak muna boyplen at gilpren! Trabaho mona. Padami mona pera!". No boyfriend/girlfriend, no problem!
- Single is better
- Nakarinig ka na siguro ng "Nakaka-inis yung ex ko!". Matuto ka na sakanila. Huwag mag-suffer sa pagkakaroon ng relationsheep. Yun yung na-inlove ka sa mukhang tupa! Mas okay ng magkaroon ka ng minamahal at nagiging inspirasyon kaysa pagkakaroon ng break-ups.
"It's sad when you meet someone who means the world to you, only to find that it was never meant to be and you have no choice but to let go." (c) Tumblr |
(P.S kung napapansin niyo po ay first time ko pong magsulat o gumawa ng blog kaya't di ako ganun kagaling. Criticisms and comments will be accepted.)
Follow me on Twitter: @Tagalog_Quotes